Isang kontrobersyal na larawan na kinabibilangan ng kilalang negosyante na si Joel Cruz ang usap-usapan ngayon sa social media.
Makikita kasi sa larawan na nakasuot ng face mask at hair nets ang mga yaya ng bagong binyag na kambal ni Joel.
Dahil dito ay umani ng batikos ang nasabing litrato.
Ilang netizens ang nagkomento at sinabing isa itong uri ng diskriminasyon at pagpapakita ng modern day slavery.
Isa pang netizen ang nagsabing dapat ay hindi na nila sinama sa picture ang mga yaya ng kambal at sa halip ay sila na mismo ang nagbuhat sa mga bata.
Naging star-studded ang binyag na ginanap sa Santuario de San Antonio Parish.
Kabilang sa mga dumalo ang mag-asawang Julius Babao at Christine Bersola-Babao, dating Miss Universe Margie Moran, ang beauty expert na si Vicki Belo, singer na si Jaime Rivera, Filipino boxing champ Nonito Donaire, celebrity love team na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, at si former Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
By Arianne Palma