Umani ng atensyon sa social media ang larawan ni Rachel Alejandro na pinost ng aktres sa kanyang instagram account habang nasa Palawan ito na may pagkakahawig kay Bise Presidente Leni Robredo.
Ito ay matapos i-post ng isang netizen at nurse by profession na si Mark Raven Dominguez ang screenshot ng instagram post ni Alejandro sa kanyang Facebook page na may caption na ” Nasaan ang Bise-Presidente? Busy naman pala sa Palawan. Ughhhh″.
Hindi inaasahan ni Dominguez na magte-trending at makararating sa Bise-Presidente ang kanyang post na aniya’y joke lamang.
Kaugnay nito, nakatanggap ng mga pagpupuna at batikos si Dominguez at agad naman nitong nilinaw na hindi siya DDS o Dilawan at walang halong politika ang kanyang post .
Humingi rin si Dominguez ng paumanhin kung mayroon mang na-offend sa kanyang post .
Samantala, pinasalamatan naman ni Alejandro ang Bise-Presidente sa lahat ng nagawa nito para sa bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco