Viral sa social media ngayon ang larawan umano ng 100 Peso bill na walang mukha ni dating Pangulong Manuel Roxas.
Nagulat ang nag-post ng larawan na si “Earla Anne” nang makakuha umano ng pera mula sa A.T.M. ng isang bangko na nabura ang mukha na dapat ay si Roxas.
Nakapagpadala na umano ng mensahe sa bangko hinggil sa insidente at pinapabalik sila sa branch para makapagsagawa ng imbestigasyon.
Samantala, wala pang pahayag ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa insidente.