Bumaba na sa pwesto bilang Pangulo ng Indiana Pacers si Larry Bird.
Nilinaw naman ng NBA na ang pag-alis ni Bird ay walang kinalaman sa kalusugan nito o sa kanyang team.
Sinabi ni Bird na bukas pa rin siya sa mga advisory role ngunit mas nais niya ngayon ang makapag-explore ng trabaho sa labas ng basketball.
Matatandaang halos dalawang (2) dekada ring naging Pangulo ng Pacers si Bird na nagsimula noong 2003.
By Ralph Obina