Nagpatupad ng firecracker ban ang Las Piñas City Government bilang paghahanda sa selebrasyon at pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar, ipinagbabawal ang paggawa, pag-display, pagbebenta, distribusyon, posesyon o paggamit ng anumang uri ng paputok maging ang pyrotechnic devices at iba pang kahalintuald nito.
Sa ilalim ng naturang ordinansa, paiigtingin ng City Health Office ang kampanya upang ipaalam sa publiko ang mga impormasyon tungkol sa idudulot na panganib ng mga paputok.
Samantala, inatasan narin ng alkalde ang mga opisyal ng barangay na magsagawa ng regular na pagpapatrulya sa ilang bahagi ng lungsod upang mapanatili ang pagsunod ng mga residente sa ipinatutupad na ordinansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero