Nagsagawa ng libreng tuli para sa mga kabataan ang Las Piñas City Government.
Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, nasa 250 kabataan ang nakilahok sa naturang programa na isinagawa sa barangay Talon Dos kung saan, isinailalim muna sa antigen test ang mga kabataan para matiyak na negatibo sila sa Covid-19
Katuwang ng local government units sa lungsod ang mga barangay health center para hikayatin ang mga kabataan na samantalahin ang libreng serbisyo ng pamahalaan.
Bukod pa dito, ipinaliwanag din ng mga doktor sa mga kabataan ang kahalagahan ng pagpapatuli sa kanilang kalusugan para sa pagkakaroon ng proper hygiene.