Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga residente malapit sa Las Piñas at Parañaque City laban sa pagkain ng mga namatay at naglutangang isda sa Manila Bay.
Ayon sa BFAr, kailangan muna nilang alamin ang naging sanhi ng pagkamatay ng libu-libong mga isda sa nabanggit na bahagi ng Manila Bay para matiyak na hindi ito makakasama sa kalusugan.
Una nang sinabi ng BFAR na kanila nang naipadala sa laboratoryo ang nakuhang water sample sa Manila Bay.
Kahapon, iba’t ibang klase ng mga isda ang naglutangan at nakita sa Long Island sa Las Piñas City at dalampasigang sakop ng Parañaque City.