Binigyan ng 24 oras na ultimatum ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director PBGen. Jonnel Estomo ang mga imbestigador at si Las Piñas Chief of Police PCol. Jaime Santos para magpaliwanag at resolbahin ang kasong pagpatay sa brodkaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
“I am deeply saddened and we condemn this crime resulting in the death of [Mabasa] aka Percy Lapid, DWBL radio commentator, who was shot dead on October 3, 2022 at the gate of BF Resort Village in Talon Dos, Las Piñas,” ayon kay Estomo.
Kinumpirma rin ni Estomo ang pagkakabuo ng Special Investigation Task Group o “SITG Lapid” upang agad na maigawad ang hustisya sa biktima at sa kanyang pamilya.
“Likewise, I have given the investigator and the Chief of Police PCOL Jaime Santos, 24 hours to shed light on the matter and solve the case. We assure to provide an update as soon as available,” aniya.
Kabilang aniya sa mga miyembro ng task group ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-NCR) at Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG).
Ayon kay Estomo, patuloy ang malalimang imbestigasyon sa krimen at pakikipag-koordinasyon sa mga opisyal ng BF Homes para sa agarang ikalulutas ng kaso.
“Presently, a thorough investigation is underway. Looking on all possibilities, we are conducting coordination with the officers of village and a Special Investigation Task Force was also created by Las Piñas City Station,” sabi pa ng NCRPO chief.