Nagbitiw na si Las Piñas Representative Mark Villar bilang miyembro ng 17th Congress.
Ginawa ni Villar ang naturang hakbang para masimulan na niya ang trabaho bilang Kalihim ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Villar ang napisil niyang DPWH Secretary matapos manalo sa 2016 Presidential Elections.
Pangatlong termino na sana ni Villar bilang Kongresista ngayong 17th Congress.
By: Meann Tanbio