Handang-handa na si retired SPO3 Arthur Lascañas na magbigay ng testimonya sa international court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte upang mailabas ang katotohanan sa likod ng DDS o Davao Death Squad.
Matatandaang matapos itanggi noong 2016, bumaliktad si Lascañas sa muli niyang pagharap sa publiko at inamin niyang siya ay team leader ng DDS, na pumapatay sa mga kriminal sa ilalim ng pamumuno ni Duterte na noo’y alkalde pa ng Davao City.
Sa tantiya ni Lascañas, aabot sa 300 drug suspects ang napatay ng kanyang grupo sa loob ng mahigit dalawang dekada na nagsimula nang maging mayor si Duterte noong 1980’s.
Aniya, incriminating para sa kanya ang gagawin niyang paglalahad ng testimonya sa international court, pero handa siyang makulong o mapatay para lang magawa ito.
Dagdag pa ni Lascañas, gagawin niya ito para hindi na maulit ang ganitong sitwasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga pulis at lokal na pamahalaan.
By Meann Tanbio