Inaasahang darating sa Pilipinas si self-confessed Davao Death Squad (DDS) member Arthur Lascañas sa Abril 22.
Inihayag ito ng Bureau of Immigration (BI) makaraang mapaulat na nakalabas ng Pilipinas si Lascañas patungong Singapore noong Sabado ng gabi.
Una nang sinabi ni Immigration Spokesperson Antonette Mangrobang na pinayagan nilang makaalis ng bansa si Lascañas dahil walang hold departure order o lookout bulletin laban dito.
Madali lamang aniyang pigilan ang isang indibidwal kung ito ay nasa look out bulletin nila o mayroong hold departure order laban dito.
Si Lascañas ang nagdawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpatay na ginagawa umano ng Davao Death Squad (DDS).
By Meann Tanbio | Judith Larino