Umamin si Retired SPO3 Arthur Lascañas na nakapatay siya ng 200 katao, sa ilalim ng davao death squad o DDS, simula noong 1989.
Ipinaliwanag ni Lascañas na mayroong mga pagkakataon na hindi siya ang personal na bumabaril, subalit naroon siya sa lugar na pinangyarihan ng pagpatay.
Sinabi rin ni Lascañas na sa kanyang paniniwala, ang pondo sa pagbili sa mga armas ng DDS ay mula sa tanggapan ng alkalde.
P500,000 na operational fund para sa pagpatay kay Jun Pala
Mayroong P500,000.00 operational fund para sa pagpatay kay Jun Pala.
Sinabi ni Lascañas sa pagdinig ng senate committee on public order and dangerous drugs na dalawang beses nilang sinubukang likidahin si Pala, subalit hindi nagtagumpay.
Ayon kay Lascañas, nagtagumpay ang kanilang operasyon laban kay Pala, matapos silang makatanggap ng tulong mula sa empleyado ng city hall na si Jerry Trocio.
Lascañas kinumpirma na isa sya sa mga unang lider ng DDS
Kinumpirma ni Lascañas na isa siya sa mga unang lider ng henious crime group na sa kinalaunan ay tinawag na davao death squad.
Sinabi ito ni Lascañas sa kaniyang pagharap sa senate committee on public order and dangerous drugs.
Iniugnay din ni Lascañas ang Pangulong Rodrigo Duterte, na noon ay Mayor ng Davao City, sa pagpatay sa pamilyang Patajasa sa laud quarry.
vc lascañas 2
bahagi ng pahayag ni spo3 arturo lascañas sa kaniyang pagharap sa senate committee on public order and dangerous drugs
By Katrina Valle