Sugatan ang isang lalaki matapos barilin ng kaniyang kapatid sa barangay Margaay sa bayan ng Navacan sa Ilocos Sur.
Batay sa imbestigasyon ng Narvacan Police, dumating ang 50 anyos na lasing na biktima sa kanilang bahay at inaway ang kaniyang magulang.
Dahil dito, nagising ang 52 anyos na suspek na hindi nagustuhan ang nagyari kaya binaril ang biktima.
Ilan ulit na ring inaaway ng biktima ang kaniyang magulang na walang namang dahilan.
Nasugatan sa kaliwang binti ang biktima na nagpapagaling na sa ospital.
Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong Frustrated Homicide, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Act at COMELEC Gun Ban. —sa panulat ni Abby Malanday