Arestado ang isang lalaki matapos magpaputok ng baril sa barangay Sta. Monica sa Novaliches, Quezon City kahapon, araw ng Sabado.
Sa isang video, makikita ang isang lalaki na edad 59 na itinututok sa taas ang baril habang naglalakad sa isang eskinita.
Ayon sa hepe ng Novaliches Station na si Lt. Col. Jerry Castillo, nagwawala ang suspek habang winawasiwas ang hawak na baril. Nakumpiska sa suspek ang baril, tatlong piraso ng live ammunition at isang fired cartridge case.
Dagdag pa ni Castillo, walang serial number ang baril kung kaya’t itinuturing ito na loose firearm.
Aminado ang suspek na lasing siya ngunit pinabulaan ang paglalabas at pagpapaputok ng baril.
Samantala, wala naman nasaktan sa insidente habang mahaharap ang suspek sa reklamong alarm and scandal at illegal possession of firearms and ammunition. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon