Naibenta na sa halagang $ 10.1-M ang basketball jersey na isinuot ni NBA Legend Michael Jordan sa Game 1 ng 1998 NBA finals.
Ayon sa Sotheby’s Auction, aabot sa 20 bidders ang nagkainterest sa Iconic Red Chicago Bulls Jersey na may numerong 23 sa likod.
Ang nasabing iconic jersey ay siyang maituturing ngayon na pinakamahal na game-worn sports memorabilia.
Nabatid na nahigitan nito ang “Hands of God” jersey na isinuot ni Football Legend Diego Maradona na naibenta noong mayo sa halagang $9.3-M at ang autographed jersey ni Kobe Bryant na isinuot noong 1996 hanggang 1997 na nabili naman sa halagang $ 3.7-M.