Kailangang magkaroon ng hiwalay na polisiya ang gobyerno sa pagsusulong ng salary standardization para sa mga guro sa pribado at pampublikong paaralan.
Sa panayam ng DWIZ kay Benjo Basas, Chairperson ng Teachers Dignity Coalition (TDC), inaasahan niyang may “last tranche” salary adjustment sa susunod na taon o hanggang 2024.
Aminado si Basas na hindi na nakasasabay sa sahod sa mga public school ang sahod ng mga guro sa mga pribadong paaralan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. —sa panulat ni Jenn Patrolla