Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang huling working day ng Nobyembre kada taon bilang National Bike-to-Work Day sa bisa ng Proclamation 409.
Layon ng hakbang na itong isulong ang pagbibisikleta bilang mainstream mode of transportation.
Hangad din ng nasabing proklamasyon na magkaroon ng balanse sa development at environmental protection, kasabay ng pagpapanatili sa kalidad ng hangin na siyang proprotekta sa kalusugan ng mga Pilipino.
Pamumunuan ng Inter-Agency Technical Working Group on Active Transport (IATWG-AT), katulong ang ilang non-government organizations (NGOs) at civil society groups, ang pagdiriwang ng National Bike-to-Work Day. Sila rin ang tutukoy sa mga programa, proyekto, at aktibidad para sa taunang selebrasyon nito.
Kaugnay nito, pinangunahan naman ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang pagdiriwang ng National Bike-to-Work Day sa Centris Open Grounds sa Lung Center of the Philippines nitong November 29.