Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Dutere ang pagsasapubliko ng 1,000 banknotes na gawa sa polymer.
Ang ceremonial program na isinagawa sa Malakaniyang ay dinaluhan ng mga opisyal ng Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ipinabatid ng BSP na darating sa buwang ito mula sa Australia ang unang batch ng Philippine Peso Banknotes na gawa sa polymer at sisimulang ipapakalat sa kalagitnaan ng taong ito.
Una nang isinulong ng BSP ang paggamit ng polymer dahil mas magbibigay ito ng proteksyon laban sa virus at bacteria at uubra ring i-sanitize ng hindi ito sinisira.