Target ilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong darating na Disyembre ang downloadable E-Phil IDs o digital version ng National IDs na iniimprenta sa registration centers .
Ngunit ayon kay Engr. Fred Sollesta, Officer In Charge sa PhilSys Registry Office, na para lamang ito sa mga nagbigay ng cellphone numbers.
Aniya, magpapadala ito ng one-time password gamit ang numero na ibinigay nila noong step 2 ng registration process.
Sinabi pa ni Sollesta na nakapag-imprenta ito ng 3.6-M E-Phil IDs hanggang nitong Nobyembre 23.
Samantala, inihayag ni Sollesta na nasa 75.1-M Pilipino na ang nakapag-parehistro para sa step 2 ng Philippine Identification System o 81.6% ng 92-M target ng PSA. —sa panulat ni Hannah Oledan