Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Laurel, Batangas dakong 6:56 AM ng Linggo, Enero 19.
Ayon sa tala ng PHIVOLCS namataan ang sentro ng lindol sa layong 5 kilometro hilagang silangan ng Agoncillo.
Mayroon itong lalim na 001 kilometro at ‘volcanic’ ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity I sa Tagaytay City.
Samantala, wala namang naitalang aftershocks at pinsala sa nasabing pagyanig.
JUST IN: Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Laurel, Batangas kaninang 6:56 AM | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/Ot6V9xwwK1
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 18, 2020