Umabot na sa 1.5 kilometers ang haba ng “napakabagal” na pagbuga ng lava mula sa summit dome ng Mayon volcano sa kahabaan ng Mi-Isi Gully.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hanggang alas-12 ng umaga umaagos ang lava sa kahabaan ng Mi-Isi (south) at Bonga (southeast) Gullies.
Nabatid na ito ang ikapitong magkakasunod na araw kung saan nagkaroon ng lava effusion ang bulkang Mayon sa albay.
Ang pagguho ng lava sa Mi-Isi at Bonga Gullies ay umabot din sa 3.3 kilometro mula sa bunganga.
Tatlong volcanic earthquakes, 274 rockfall events, at 11 pyroclastic density current events ang naitala din ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24 na oras.