Muling namataan ang pagbuga ng lava sa Bulkang Mayon.
Nangyari ang naturang ‘lava fountaining’ nitong Lunes, Enero 22, dakong 9:40 ng gabi na may taas na umaabot ng 500 hanggang 700 metro at naglabas ng apat (4) na kilometrong taas na ash plume.
#PANOORIN (As of Jan. 22) Bulkang Mayon muling naglabas ng lava kaninang 9:35 hanggang 9:48 na may taas na 500 hanggang 700 metro, at nag-produced ng 3,700-meter high ash plume. | via @phivolcs_dost pic.twitter.com/8nHu7gIPba
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 22, 2018
Hindi naman nagpalabas ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS kaugnay sa insidente.
Ayon sa PHIVOLCS, magsasagawa sila ng emergency meeting kasama ang iba pang concerned agencies para pag-usapan kung itataas pa ang alert status ng bulkan.
Samantala, tiniyak ng PHIVOLCS sa publiko na patuloy nilang binabantayan ang Bulkang Mayon.
Matatandaang itinaas na sa alert level 4 ang status ng bulkan nitong Lunes, Enero 22, matapos ang pagbuga nito ng makapal na abo o ash column.