Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang pagtutok ng buong hanay sa public safety at law enforcement operations sa darating na Semana Santa.
Ipinagbilin ni PNP Chief PGEN. Dionardo Carlos, na tiyakin ang police visibility sa mga lugar na tradisyunal na dinadagsa ng mga tao sa panahon ng Semana Santa.
Partikular na ang mga istasyon ng bus, paliparan, pier at iba pang transport hubs, at ang paglalagay ng mga Police Assistance centers para umalalay sa mga tao.
Samantala, kasabay ng pag-alalay sa mga biyahero, ayon sa opisyal titiyakin din ng pnp na nasusunod ang minimum public health standards depende sa antas ng alerto ng mga lugar na pupuntahan ng mga bibiyahe sa Holy Week. —sa panulat ni Mara Valle