Ramdam na sa apat na sulok ng mundo ang lawak ng impluwensya ng China.
Kasabay ito ng ilalargang grand economic plan para sa mundo na tinatawag na “One Belt, One Road” Policy iniative simula sa Linggo hanggang Lunes kung saan dalawampu’t walong (28) Heads of State at iba pang pangunahing opisyal mula sa mahigit animnapung (60) bansa ang dadalo.
Dahil dito, posibleng magkaroon ng bagong global economic order o mabago ang sistema ng kalakalan sa mundo na dominado ng Amerika.
Ayon kay David Coats, director ng US National Intelligence, ang nasabing summit ay isa lamang sa mga hakbang ng Tsina upang maging isang global superpower.
Sa ngayon anya ay ramdam na saan mang sulok ng mundo ang impluwensya ng China sa aspeto ng ekonomiya, kultura, edukasyon at sandatahang lakas gaya sa Africa, Middle East, Pakistan at South America.
By Drew Nacino