Tututukan ng Simbahang Katolika ang pagpapaibayo sa espirituwal na gawain at pang – unawa sa pananampalataya ng bawat deboto ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Quiapo Church Parochial Vicar Father Douglas Badong, ito ay alinsunod sa tema ngayong taon ng pista ng Itim na Nazareno na “Ang Daan, Katotohanan at Buhay.”
Layunin aniya ng Traslacion 2018 na pag – ibayuhin ang espirituwalidad ng bawat deboto at maunawaan ang kanilang pananampalataya na tututukan naman ngayong taon.
Ito’y sa pamamagitan ng pagrorosaryo sa lahat ng rutang daraanan ng prusisyon habang pakikiusapan ang mga barangay na madadaanan na ipagamit ang kanilang mega phone upang marinig ang pagdarasal ng mga tao.
Samantala, tinatayang limanglibong (15,000) pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police o PNP para tiyakin ang seguridad ng mga deboto na dadalo sa traslacion ng Itim na Nazareno.