Pinagsabihan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Land Bank of the Philippines (LBP) na maging katuwang ng mga magsasaka tungo sa ikauunlad ng kanilang pamumuhay.
Kasunod ito ng sumbong sa pangulo na hindi nakakalapit ang mga magsasaka sa naturang bangko dahil sa hirap ng mga requirements na hinihingi sa kanila kapag sila ay uutang o maglo-loan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinaalalahanan ng pangulo ang naturang mga bangko tungkol sa tunay na adhikain ng mga ito na tulungan ang mga magsasaka lalo na ang mga naging biktima ng nakalipas Bagyong Ompong.
“So importante na to remind the bank na kayo nandiyan to provide instant credit para sa mga magsasaka, nais magtanim, biktima ng delubyo yun talaga ang original vison at mission ng Land Bank. So, ayun po ang gusto niya, to remind them na lalo na ngayon mayruon sakuna kagaya ng Ompong kinakailangan magbigay ng tulong sa lalong mabilis na panahon. Huwag naman to insist on a long list of requirements like a unibank will do so.” Pahayag ni Roque.