Ipinagagamit ni Albay Representative Joey Salceda sa mga LGUs na hindi naapektuhan ng nagdaang mga kalamidad ang kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction Management Funds (LDRRMF) para sa mga biktima ng bagyo sa Cagayan at Isabela.
Ayon kay Salceda, alinsunod sa R.A. 10121 o Philippine Disaster Reduction and Management Act pinapayagan ang paggamit sa pondo na ito ng mga LGUs para ipantugon sa ibang mga komunidad na nangangailangan ng tulong.
Nais din ni Salceda na magkaroon ng isang ‘national financing mechanism’ na layong magbigay ng karagdagang pondo sa mga lgus na madalas na hinahagupit ng bagyo.
Anito, ang pondo para sa local disaster risk reduction ay 5% lamang ng kabuuang kita ng mga LGUs.
Iginiit din ni Albay Representative Salceda, na magkaroon ng matatag na national disaster framework na kayang maisaayos ang pagkukunan ng bansa ng anumang kakailanganin nito at ang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).