Hindi naitago ng Pinay Broadway Star na si Lea Salonga ang pagkadismaya sa hindi kanais-nais na pag-uugali ng ilang manunuod na Pinoy sa Manila run ng Les Misérables kung saan tampok ang ating kababayang si Rachelle Ann Go.
Sa pamamagitan ng kanyang twitter account, ramdam ang pagkadismaya ni Lea sa decorum ng ilang Filipino viewers.
Ayon kay Lea sadyang may mga taong kayang bumili ng mamahaling tickets pero hindi ang pagiging “class”.
Maliban dito, pinuna rin ni Lea ang mga audience na sumasabay sa pagkanta ng casts.
Giit ni Lea, ang entablado ay hindi karaoke na maaaring sabayan ng mga manunuod.
Maliban dito, ang pagtahimik aniya ay pagbibigay respeto sa cast o sa bumubuo ng play at maging sa mga manunuod.
By Ralph Obina