Pinuri ni Lea Salonga ang ngayo’y maituturing na ring broadway performer na si Rachelle Ann Go para sa pagganap nito bilang Fantine sa musical na Les Miserables.
Ayon sa beteranang stage actress, na-impress siya sa pagtatanghal ni Rachelle kaya ipinagmamalaki niya ang batang aktres.
Animo’y sinusundan ni Rachelle ang yapak ni Lea sa mundo ng teatro.
Tulad ni Lea, naging bahagi rin siya ng Miss Saigon at ngayon naman ay ng Les Miz.
By: Avee Devierte