Nagbanta si Lea Salonga sa kung sinumang magpapaiyak sa kanyang anak.
Sa sunud-sunod na tweet, ibinahagi ng International Broadway Star na may fans na lumapit sa kanyang 10 taong gulang na anak na babae at luhaan itong tumakbo pabalik sa kanya.
Sinabi ni Lea na sinisikap niyang maging magiliw sa fans, ngunit kung hindi itatrato nang maganda ang kanyang anak at paiiyakin lang, galit na sinabi ni Lea sa kanyang post sa twitter na siya ang makakalaban nila.
Dahil sa nangyari, pinag-iisipan na ni Lea na tumanggi sa mga hiling ng fans na magpalitrato sa kanya.
By Avee Devierte
Photo: Lea Salonga