Isiniwalat ni Dr. Tony Leachon na hindi na siya ang adviser ng national pandemic task force ng gobyerno na siyang nangunguna sa pagtugon ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
https://twitter.com/DrTonyLeachon/status/1273135071743139841
Sa kanyang post sa Twitter, sinabi ni Leachon na marami siyang magagandang alaala pero kailangan na niyang mag-move on.
Bagama’t hindi niya binanggit ang dahilan, idinagdag ni Leachon na mataas ang respeto niya kay COVID-19 Policy Chief Implementer Secretary Carlito Galvez at mananatili aniya silang magkaibigan.