Kinumpirma ni Dr. Tony Leachon na pinagbitiw siya bilang adviser ng Inter-Agency Task Force on coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Leachon, kinausap sya ni chief implementer Carlito Galvez hinggil sa kanyang mga pahayag na taliwas sa malakanyang partikular kina Health Secretary Francisco Duque at Presidential Spokesman Harry Roque.
Sinabi ni leachon na matagal na silang tinatangkang busalan at sa katunayan ay tinanggal sa IATF ang pagbibigay ng arawang updates sa taongbayan dahil kailangang magmula ang lahat ng pahayag kay Roque.
Nung lumaon eh ako nalang nagsasalita kasi nakikita yung urgency sa pag bibigay ng datos. So wala naman tayong vina-vioalate na confidentiality ng data at mga data na ‘yun ay galing sa Department of Health (DOH). At ang sinasabi ko nga ‘yun ba ay enough reason na para tanggalin ka sa posisyon mo. Sa tingin ko very hard working ako sa pagtratrabaho —ani Leachon
Binigyang diin ni Leachon na napakaraming buhay ang apektado dahil sa hind episyenteng pagpapalbas ng datos ng DOH.
Nihalimbawa ni leachon ang Cebu City na ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa paglobo ng bilang ng COVID-19 cases.
Kung naging episyente anya ang datos ng DOH, dapat ay nakita nila na hindi pa dapat inilagay sa general quarantine nuon ang Cebu City.
May tama na ‘yung mga lapses o dropballs sa nangyayari sa Department of Health (DOH). Kasi ito ang nakakaiyak dito, ilang doctor na ang nanamatay dito at ilang nurses, health professionals naapektuhan dito. ilan ang nawakan ng trabaho, ilang naghihirap dito. So sa lahat ng mga desisiyon natin sa pagluwag ng quaratine naka-depende ‘yan sa tamang data so kawawa ang mga kababayan natin na hini-higpitan natin na pwede pala. Tapos ‘yung naman dapat higpitan eh di naman natin nahihigpitan tulad ano nangyari sa Cebu —panayam mula sa Ratsada Balita