Naging malaking tulong si Dr. Tony Leachon sa Inter-Agency Task Force Against coronavirus disease 2019 (COVID-19) (IATF).
Kaya naman, ayon kay Deparment of Interiror and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ikinalungkot nya ang pagbibitiw ni Leachon bilang adviser ng IATF.
Inilawaran ni Año si Leachon na isang critical thinker at straightforward na tao.
Nais anya nito na nakabase sa real time data ang mga gagawin nilang pag analisa kung paluluwagin o hihigpitan ang quarantine sa isang lugar.
Sinabi ni Año na posibleng hindi lamang sanay si Leachon sa isang rigid organization tulad ng gobyerno o militar kung saan iisag communication line lang ang sinusunod at ang lahat ng hindi pinagkakasunduan ay dapat ina ayos lamang sa loob ng task force.
Gayunman, malaya naman anyang nakakapagsalita si Leachon bilang adviser ng IATF bagamat kumokontra na sa official line at policies ng IATF ang mga pahayag nito.