Umalma si health reform advocate, Dr Tony Leachon sa alegasyon na ambisyon nya ang maging health secretary.
Si Leachon ay dating adviser ng Inter-Agency Task Force on coronavirus disease 2019 (COVID-19) na pinagbitiw dahil sa kanyang mga pahayag na kontra sa direksyon ng Department of Healthn (DOH) sa isyu ng COVID-19.
Binigyang diin ni Leachon na mahigit isang dekada na syang independent health reform advocate at kuntento na sya na pinagkakatiwalaan ang kanyang opinyon at kaalaman tulad ng pagiging malimit na resource person sa mga sa mga imbestigasyon ng Kongreso at adviser sa health issues.
Gayunman, aminado si Leachon na isa sya sa mga naniniwala na dapat nang palitan si secretary Francisco Duque sa Department of Health (DOH).
Marami na po tumatawag nun, meron na po silang na-appoint napakagaling po eh si Usec. Leopoldo Vega ng Davao. Siguro baka siya na ‘yung kapalit noh pero sa ganitong na-sasaldak ‘yung ahensiya ng kalusugann sa ganitong iskandalo na ang buong bansa ay in-crisis. baka napapanahon na magkapalitan na po talaga. —ani Leachon
Kasabay nito ay itinanggi ni Leachon na mayroon syang kinalaman sa imbestigasyon na ginagawa ngayon ng office of the ombudsman kay Duque at sa ilang opisyal ng DOH.
Hindi ini-explain ni Ombudsman Samuel Martires, motu propio daw since marami daw nagreklamo pati ang Senate nagumpisa pala March 23 sila. Binigyan po silang tun around at pinagpasa-pasahan nila sa RITM, sa ahensiya dito at noong napannod ko siya galit na galit siya na pina-iikotan. —panayam mula sa Ratsada Balita