Hinimok ni former National Task Force (NTF) Against COVID-19 Special Adviser Dr. Anthony Leachon ang pamahalaan na muling alamin ang mga alituntunin sa COVID-19 at alert level system sa gitna ng pagdami ng mga nagpositibo sa virus partikular na ang mga health care workers.
Ayon kay Leachon, maliwanag na ang mga healthcare workers ay nagkakasakit dahil sa sobra-sobrang pagtatrabaho.
Inimungkahi ni Leachon, na dapat iprayoridad din ng gobyerno ang serbisyo ng mga health clerk, medical students, at mga intern at hindi lang ang mismong mga doktor at nurse.
Samantala, nanawagan din si Leachon, sa IATF, na dapat tutukan ang mga tunay na bayani sa gitna ng pandemya, at iyon ay ang mga frontliners. —sa panulat ni Kim Gomez