Kumpyansa ang Lead Legal Counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman na may hawak silang matibay na argumento upang maibasura ang kaso ng dating pangulo sa International Criminal Court.
Ayon kay Atty. Kaufman, target niya maipatigil ang pag-usad ng kaso bago pa kumpirmahin ng icc ang mga kaso laban kay Duterte, partikular na ang crimes against humanity dahil sa pagpapatupad ng drug war campaign sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Iginiit ng Lead Counsel ni Duterte na wala nang hurisdiksyon sa Pilipinas ang pandaigdigang korte dahil kumalas na ang bansa bago pa magsimula ang imbestigasyon kaugnay sa nasabing isyu.
Dagdag pa ni Atty. Kaufman na siya ay labis na madidismaya sakali mang hindi umubra ang kanilang “jurisdictional argument”.
Nakatakda sa September 23 ang confirmation of charges ng dating pangulo.—sa panulat ni John Riz Calata