Naghahanap ang mga Filipino ng isang lider na makikinig sa kanila.
Batay ito sa survey ng 4th Philippine Trust Index na isinagawa nuong July hanggang August 2015 na may 1, 620 respondents.
Lumalabas sa naturang survey na ang maituturing na pinakamagandang ugali ng isang lider ay ang pagiging bukas sa pakikinig sa opinyon ng mga tao hinggil sa mga mahahalagang usaping kinakaharap ng bansa.
Naniniwala rin ang publiko na ang isang lider ay mayruong malakas na political will, totoong concern sa kapakanan ng mga mamamayan at maging sa mga pangako niya sa kaniyang kampanya.
By: Judith Larino