Mahigpit na isusulong ng Department of Education (DepEd) ang learning recovery program sa gitna na rin nang pagkansela sa limited face to face classes dahil sa COVID-19.
Binigyang diin ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na kailangan ang learning recovery program para mabawi ang anumang nawalang learnings o mga dapat na napag aralan ng mga estudyante dulot ng sitwasyong dala ng health crisis.
Gayunman, sinabi ni Malaluan na kahit may learning losses mayruon din naman aniyang gains o pakinabang na dulot sa edukasyon ng COVID-19.
Kabilang dito, ayon kay Malaluan ang realization na malaki ang papel ng mga magulang at guardian sa pagkatuto ng kanilang mga anak.
Bukod pa ito aniya sa independent skill learning kung saan nahahasa ang mga estudyante.