Bumaba ang lebel ng coliform sa Manila Bay isang taon matapos ilunsad ang rehabilitation program nito.
Ayon sa tala ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasa 920,000 mpn/100 ml. o most probable number per 100 milimeter ang coliform sa isang bahagi ng Manila Bay.
Mas mababa ito kumpara sa 7.21 million mpn/100ml. noong nakraang taon.
Bumaba rin ang coliform level sa ibang bahagi ng Manila Bay tulad ng Raja Soliman–Remedios drainage at Manila Yacht Club.
Magugunitang inilunsad ng DENR ang rehabilitation program ng Manila Bay na pinangalanang “battle for manila bay”.