Mas bumaba pa ang lebel ng fecal coliform sa Manila Bay.
Ito ang inihayag ng department of Environment and Natural Resources (DENR) sa gitna ng patuloy na rehabilitasyon nito.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, batay sa pinaka huling test na isinagawa nuong Pebrero 8 nakapag-rehistro ang tubig ng Manila Bay ng 4.87 million most probable number (MPN) na fecal coliform content.
Higit aniyang mababa ito sa nuo’y 7.16 million MPN na naitala nuong nakaraang taon.
Ang fecal coliform ay isang bacteria na nanggagaling sa fecal material na nagmumula sa tao at hayop at ito’y matagal ng problema sa manila bay na nagbibigay ng hindi magandang kalidad ng tubig.