Nananatiling mataas ang lebel ng frustration at discontent sa mga residente ng Marawi city.
Pahayag ito ni Nikki Dela Rosa, convenor ng Marawi Reconstruction Conflict Watch sa kabila ng positive 58% na satisfaction rating ng Pangulong Rodrigo Duterte sa reconstruction ng Marawi city, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Ayon kay Dela Rosa, hindi nila kinokontra ang survey, subalit isa itong pambansang survey at karamihan sa mga sumagot ay hindi pamilyar sa tunay na nangyayari sa Marawi city.
Dalawang taon anya matapos ang Marawi siege ay nananatili pa rin sa kanilang temporary shelters ang mga naapektuhang residente.
Nakapagpagalit rin anya sa mga residente ang naging pahayag ng pangulo na ipinauubaya na lamang nya sa mayayamang negosyante ng Marawi city ang pagbangon ng syudad.
Sinabi ni Dela Rosa na duda rin ang mga residente ng Marawi city kung matutupad ang pahayag ni Housing Czar Eduardo Del Rosario na tatapusin na ang debris management sa Agosto at maaari na uling magtayo ng bahay ang mga residente pagdating ng Setyembre.