Naniniwala si incoming finance Secretary Benjamin Diokno na posibleng bumaba sa isa sa sampung Pilipino sa taong 2028 ang lebel ng kahirapan sa bansa pagkatapos ng termino ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pero ito ay kung lalago ang ekonomiya ng bansa sa 7% ngayong taon at 6% sa susunod na anim na taon.
Dagdag pa ni Diokno na layon din ng economic managers na mapababa ang debt-to-gross domestic product o GDP ratio sa 3% sa pagtatapos ng termino ni Marcos Jr., sa paniniwalang ito ay magagawa dahil sa kasalukuyang sistema ng buwis na iiwan ng administrasyong Duterte.
Samantala, inirekomenda ng kasalukuyang Department of Finance ang mga bago at mas mataas na buwis kasama ang tatlong taong pagpapaliban ng income tax reduction na naka-iskedyul sa mga indibidwal na nagbabayad ng buwis para mabayaran ang utang ng bansa.