Nananatiling normal ang lebel ng tubig sa mga dams sa Luzon.
Ayon kay Danny Flores, Hydrologist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, halos hindi naramdaman ng mga dams ang lakas ng mga pag-ulan.
Bahagya lamang aniyang nadagdagan ang lebel ng tubig sa mga dams na nakaranas ng pagbaba ng tubig nitong tag-init tulad ng Angat Dam.
“Lahat ng mga lebel na ito ay nasa mababa pa ang kalagayan kumbaga kailangan pa ng maraming ulan para maabot niya ang spilling level, malayo pa so normal siya sa ngayon. Dati namang sapat ang pangangailangan pero nadagdagan, nakakabuti dahil tagtuyot tayo dati ngayon mas may moist na ang lupa, kung may mga pag-ulan madaling maramdaman n gating mga dams ang tubig.” Pahayag ni Flores
(Ratsada Balita Interview)