Lumalapit na sa critical level para sa inuming tubig ang Angat Dam.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang water level ng Angat Dam ay bumaba na sa 172.66 meters o halos .19 meter na mas mababa pa sa naitalang 172. 85 meters kahapon.
Halos ilang metro na lamang ang kasalukuyang water level ng Angat Dam sa critical level para sa irigasyon sa 180 meters at critical level para sa inuming tubig na nasa 160 meters.
Sinabi ng PAGASA na hindi nakatulong ang mga pag-ulan nitong mga nakalipas na araw para madagdagan ang tubig sa Angat Dam na nagsu-supply ng mahigit 90 prosyento ng inuming tubig sa Metro Manila.
Samantala, bumaba rin ang water level sa iba pang mga dam tulad ng Ipo, Binga, San Roque at Magat bagamat tumaas naman ang water level sa La Mesa Dam, Ambuklao, Pantabangan at Caliraya Dam.
By Judith Larino