Bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam sa kabila ng opisyal na pagsisimula ng El Niño phenomenon ngayong buwan.
Batay sa tala ng PAGASA Hydromet Division, aabot sa 46 na sentimetro ang itinaas ng lebel ng tubig sa Angat mula noong Martes na nasa kasalukuyang 189.97 meters.
Gayunman, sinabi ng mga Hydrologist ng PAGASA na dapat paigtinigin pa ng publiko ang panalangin para dumami pa ang bumagsak na ulan.
Tulad na lamang noong Lunes kung saan, tinatayang nasa 77 milimeters na ulan ang bumagsak sa mismong dam na siyang nakatulong upang madagdagan ang tubig dito.
Gayunman, nilinaw ng PAGASA na bagama’t wala na sa critical level ang tubig sa Angat dam, hindi pa rin sapat ang dami nito upang makatugon sa epektong hatid ng matinding tagtuyot.
By Jaymark Dagala