Bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat dam gayundin ang 7 reservoir sa Luzon bunsod ng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa PAGASA, umaabot na lamang sa 209.10 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.
Habang pumalo na sa 77.70 meters naman ang lebel ng tubig ng La Mesa dam.
Nakapagtala rin ng pagbaba ng lebel ng tubig sa San Roque dam, Pantabangan dam, Caliraya dam, Ambuklao at Binga dam.
Inaasahan namang mas bababa pa ang water level sa nabanggit na dam dahil sa kawalan ng tubig ulan bunsod ng tumitinding epekto ng El niño phenomenon.