Bahagyang tumaas ang water level sa Angat Dam matapos bumuhos ang ulan na dulot ng bagyong Egay at habagat.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), rumehistro sa 169. 33 meters ang water level sa Angat Dam o point 19 meters na mas mataas kaysa kahapon.
Samantala, tumaas din ang water level sa Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga, San Roque at Caliraya.
Bumaba naman ang tubig sa Pantabangan at Magat Dams.
By Judith Larino