Bahagyang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Batay sa obserbasyon ng PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 190.75 meters na lang ito kumpara sa 190.82 meters kahapon.
Nananatili namang normal ang lebel ng tubig sa La Mesa dam na siyang kumukuha ng tubig sa angat dam na nasa 78.54 meters.
Gayunman, mas mababa pa rin ito sa normal high water level na 80.15 meters.
Ngayong araw, magkakaroon ng maintenance activities ang manila water sa ilang lugar sa Makati, Taguig, at Quezon City na tatagal hanggang Abril 11. – sa panulat ni Abby Malanday