Walang epekto sa Angat Dam ang dalawang araw na pag-ulan.
Sa halip, ipinabatid ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na lalo pang bumaba ang water level ng dam.
Sinabi ng PAGASA na hindi sumapat ang tubig na dala ng ulan para mapataas ang water level sa Angat Dam na nagsu-supply ng tubig sa Metro Manila.
Sa Hunyo o Agosto pa ayon sa PAGASA posibleng madagdagan ang tubig sa reservoir ng Angat Dam kapag pumasok na ang mga bagyo o habagat.
By Judith Larino