Bumaba pa sa 202.2 ang lebel ng tubig sa Angat Dam na mas mababa sa normal high level na 212 meters.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Sevilo David, Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB) na mula ito sa 202.80 meters na naitala nitong December 31.
Dahil dito, pinayuhan ni david ang publiko na mag-ipon ng tubig at gamitin itong mabuti dahil bumaba na sa below normal ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ang bahagyang pagtaas ng tubig sa angat nitong nakaraang buwan ay dahil sa Northeast Monsoon na inaasahang tatagal hanggang pebrero.
Inaasahang aabot naman sa 180 meters ang lebel ng dam sa kalagitnaan ng abril dulot ng Northeast Monsson at La Niña. —sa panulat ni Abby Malanday